Color Blocking Tumblr Themes
Next Page

Let the randomness begin

***Note: I am entitled to my own opinion and this material may contain some “pagfeefeeling”, grammatical errors and stuff :p 

"Real beauty is found skin deep"

Parang ganun ang theme ng Diary ng panget. If you have read the story in text,and if you are quite a fan of teen flicks and love stories, you will find out that this story is interesting, funny ,cute but quite cliche, But I think its the simplicity and maybe quite relatableness of the story that captured the interest of most readers. Syempre, dahil madami na ang nakabasa ng story na gawa ni miss Denny(Haveyouseenthisgirl), napagtanto ng Viva films na gawan ito ng movie. So here’s some of my thoughts on the movie:

CASTING

 Nung una kong nakita yung trailer, di ko masyadong feel yung cast kasi hindi ko ganun naimagine yung characters nung binabasa ko yung libro(pdf pala hehe) . Siguro, kung hindi ko nabasa yung story bago pa narelease yung movie, I can appreciate the characters more. Kasi kahit super gwapo ni kuya James Reid from PBB teens  at  kuya Andre Paras na anak ni papa bear Benjie Paras, sa movie, I don’t think that they suit the role of Cross and Chad. At kahit super ganda ni ate Yassi Pressman sa movie, I didn’t quite imagine Lorraine Keet being portrayed by her. So more or less si ate Nadine Lustre lang yung feeling ko na suitable sa role na pinoportray nya, which is Eya Rodriguez. 

PLOT

Sa plot naman nung story, tugma naman. Kung paano ko sya inimagine sa book, mejo ganun din yung nakita ko sa movie. Pero as far as I can remember. may mga minor details na hindi ko nakita sa movie na mejo inaabangan ko nung nalaman kong ilalabas yung movie parang yung (amft spoiler alert :p) sa hospital scene, diba dapat manonood si Eya ng Twilight dun (LOL alam nabakit yun yung hinintay haha) , tapos kung tama yung naaalala ko, may mga Boy bawang scenes dun sa book na hindi ko nakita sa movie. Pati sa introduction, parang di ko narinig yung introductory part sa libro noon ( or di lang ako nakikinig nung una xD) tapos bakit hindi nabanggit sa movie na model din si Eya at mga models yung schoolmates nya? Hindi ko din nakita sa movie yung part ng story na sinundan ni Eya si Chad sa parang underground place nila. Kung di ako nagkakamali, dun dapat nya nakuha yung “Peppy” na nickname ni Eya. Maybe its due to time limits and copyright thingy? pero nevertheless, the plot was fine. Sabi nga nila, “The movie is better than the book…said no one ever” :p pero yeah, at least the plot was close to how the book was written, so I guess its fine :P

RECOMMENDATION AND RATING

(Magrerecommendation pa ba? ang haba eeh xD joke) Nung pinanood namin yung movie sa cinema, pinilahan sya at mukhang di naman nadisappoint yung karamihan, aside from the fact na madaming tinitilian yung mga babae at mga bakla sa movie (lalo na yung exposure ng katawan ni James Reid) , sobrang gulo sa cinema noon. So if you are looking for “kilig time/ laughtrip moments” this movie is recommended :)) As for my rating, I think, 6/10 is fine. Some points could  still be improved pag lumabas na yung Diary ng panget 2 :)



For some reason, I think chosen people have that kind of destiny.. that kind of destiny wherein one day, they will step up and give a very inspiring success story.

Kanina kasi grad ng kapatid ko (k fine congrats sa mga kabatch nya pati na din sakanya :p ) .. tapos may pinanood si Father nung baccalaureate mass. Story ni Sung Bong Choi sa Korea’s Got Talent. Ang dami nyang struggles sa buhay (itatagalog ko yung kwento nya dahil di ako marunong mag Korean at di ko kabisado yung English na subtitle haha joke ) . 3 years old palang daw sya, iniwan sya sa orphanage pero dahil sinasaktan sya ng mga tao sa orphanage, umalis sya. At the age of 3, namumuhay na sya mag isa. Nagtitinda daw sya ng mga candy at energy drinks sa daan tapos natutulog sa kalye (or something sa kalye basta mas sosyal kaysa sa mga nasa Pilipinas haha). Tapos parang na amaze daw yata sya sa singer sa bar tapos may nagturo sakanyang kumanta tapos after nun, nag self study sya. Tapos nung sumali sya sa Korea’s Got Talent, naamaze yung mga tao. Lumuluha yung mga judges at sabi nung mga hosts na sisikat sya sa buong mundo dahil sa pinakita nya.

Naniniwala na ako ngayon sa sinabi ng isa sa mga motto ng graduate kanina. ” Failures come before success”. Kahit sila mama, may success story din na ganun.. Nagtitinda lang kasi sila noon sa palengke tapos unsupportive parents nila tapos napagtapos nila mga sarili nila. Ganun din kwento ni auntie na kapatid ni mama. 

Ako naman si nakaupo, nakikinig sa mga kwento, nakakarealize ng mga bagay. Naghihintay ng moment ko na magkkwento ng success story ko . Kwentong, sobrang bagsak ako sa subjects ko nung nag-aaral ako. Di ako popular, at halos walang nakakailala sakin. May ilang friends pero parang di pa nila nakikita yung kaya kong gawin. Sana isa ako sa “chosen ones” na magbibigay ng inspiration sa mundo soon. Siguro medyo haters gonna hate itong mga statements ko pero sana ganun yung destiny ko. Lahat naman gusto ng success story, all it takes is guts and acceptance.. siguro :p 



So yun kalat na sa ata sa lahat ng taong kakilala ko na may bagsak nanaman ako… and I have been getting different comments about it. Comments such as "ga** ka talaga", "loko ka" ,"okay lang yan basta laban lang" at ang pinaka madalas kong naririnig "ANO BANG GINAGAWA MO?"
quite frankly, I really didn’t care a lot…(haha malapit na nga ata akong itakwil ng tatay ko sadami ng nabagsak ko sa ChE life ko).. don’t get me wrong here, it’s just that I know that I didn’t really give my best shot nung una. Pero nung nagtagal, nagsink in na lahat… ayun narealize ko na naiinis ako sa sarili ko at sa instructor ko (I know I shouldn’t put the blame on her pero ewan nababanas ako) eeh kasi 80 na yung grade ung prelims eh pero ayun nasabit 72 ang final final grade (OUCH! ang sakit ng hagupt ni 72!) pero ewan feeling ko may mali pero bahala na…. nanjan na eh….Syempre, dahil sa kalokohan ko at kawalang pakealam at kawalang gana ko, may consequences yung actions ko….

CONSEQUENCES/ EFFECTS

  • Na silent treatment nanaman ni papa… yung tipong parang itatakwil ka na bilang anak. Pero masisisi ko ba si papa? nung nakwento ko nga sa pinsan ko yun ang sagot na sakin:”hala pasaway ka, ano bang ginagawa mo?!” syempre ako naman, tawa lang pero sa loob loob ko “alam ko san ako nagkamali di ko nga lang alam san ko sisimulang ayusin”
  • Mas naging supportive si mama. tipong yung lines nya talagang nagpapalubag loob. Pero feeling ko di nya lang pinapakita na disappointed sya
  • Wala akong maeenroll sa summer na pang chem eng. So shift na?
  • Delayed na ako ng 1 sem 1 year or pwede din 2 years. 2 years kung magshishift ako, 2 years kung mag doudouble ako, 1 sem kung hahabol pa, 1 year kung 1 year talaga. Delayed na sa pagkuha ng OJT eeh.
  • Napagsabihan ng mga barkada kong super kilala talaga ako. Kailangan ko  siguro yun  para makitang “I’m more than this”..(di naman maxadong napagsabihan, subtle lang ang dating )
  • Syempre, inggit ako sa mga HS batchmates ko na ggraduate na at sa mga supposedly SEA batchmates ko na 5th year na.

Pero, sa totoo lang… mejo thankful ako na may nabagsak ako (once again dont get me wrong here)…

BAKIT THANKFUL PARIN AKO SA MGA BAGSAK KO?

  • Sa totoo lang, di pa ako ready mag OJT. Sa totoo lang, takot pa talaga akong harapin ang OJT. Kasi di ko alam kung anong mangyayari at gagawin ko dun
  • Lumaban talaga ako ng patas. Bagsak na kung bagsak, pero alam ko sa sarili ko na honest yung pagbagsak ko. Hindi naman sa nagyayabang o naghahanap ng kaaway. Pero meron kasi akong nabasa sa FB sabi nya “at least lumaban ng patas” parang pampalubag loob nya yun sa kasama naming bumagsak, pero alam namin na hndi talaga sila lumaban ng patas. Talamak ang cheating samin pero malala din ang pagcheacheat mo teh eh. Hindi din naman sa nagmamalinis ako na never pa akong nagcheat. Nagcheat na din ako noon pero at least aminado ako. Eh ikaw?! teh nandamay ka pa! promotor! at ang lakas pa talaga ng loob mong sabihin na “at least lumaban ng patas” oo pumasa ka.. nagsecond take ka eh ang masama second take ka na nga, nagcheat ka pa.. MAHIYA KA NAMAN. kung hindi sa mga kaklase mo, sa sarili mo. wala naman talaga akong pakealam sa pagcheacheat nyo noon eh, at wala akong pakealam kung pumasa o bumagsak ka, at quite frankly wala akong pakealam sayo pero nagkaroon ako ng pakealam nung inimpluwenxahan mo yung mga kasama namin na magcheat at hindi lang yun, yumayabang sila dahil mas mataas nakukuha nila kaysa saamin. Nasisisra na din pagtitiwala namin sa isa’t isa dahil dun (highblood, highblood) 
  • Natututo ako sa mga mali ko. Eveytime na nagsesecond take ako, mas naiintindihan ko yung mga mali ko nung unang take. Mas natututo ako , mas naaappreciate ko yung lessons at hopefully magagawa ko nang mahalin yung mga natututunan ko at hopefully din papasa na ako sa board exams ng first take dahil jan.
  • Natututo akong mawalan ng pakealam sa iniisip ng iba. Nung una kasi, tipong nabubuhay ako para pakinin ang expectations ng iba, I used to long for their approval. Ngayon. whooo. I don’t give a damn about your expectations already. 
  • Dahil mejo madami na akong nabagsak, pinayagan na akong magshft. Actually sabi ko nga noon, ayoko talaga ng hinayupak na course na to. Matagal ko na talagang hinihintay na sabihin na magshift na ako.. at narinig ko yun bago masilent treatment ni papa.Kahit masyado nang late, at least narinig ko na yung gusto kong marinig.. (hashtag mejo bad girl) 

Haaay yun lang, di ko na alam paano pa aayusin yung buhay ko ngayon. Mula kasi nung napagtanto ko na di ko feel ang engineering (lalo na ang Chemical Engineering) at ayaw akong pagshiftin, hinayaan ko na na bumagsak ako sa majors ko. Hindi ako pabaya noon at lalong hindi ako bobo. Pero katangahan ko na nga ata na hinayaan kong magulo ang mundo ko dahil sa grades. Hinayaan ko na bumaba ang tingin sakin ng mga tao dahil sa performance ko sa school. Hinayaan ko na bumaba ang tingin ko sa sarili ko at bumaba yung confidence ko. Sana malagpasan ko na to. Sana maayos ko na yung buhay ko. Sana bumaik na kumpyansa at tiwala ko sa sarili ko. 



In this dark and endless forest, I keep on running in my quest to find a way out. I keep on running but I still end up in the same starting point. I scream but my voice will never be a match to the forest. I cry, but does it matter? Running and searching through this endless journey, wounded and bruised, I try to stand.. but this never ending battle, a hurricane  within my self, a battle between my heart, my mind and the whole of me. A strong push of repelling wishes and desires. A string that keeps control of me. Despair that blankets me. I want to escape, to find a way to find a light… To get out of this grave while I’m still alive


Tagged as: metaphor, weirdo, my life,

It’s so easy to put  a fake face on. Smile when someone’s looking, stay chilled when everybody’s in panic and look indifferent when all people seem to care.But then, when you get to talk to certain people, they’ll know what you’re really thinking of, they’ll know how you really feel, they’ll know that no matter how many layers of sheets of brightness are covering you, underneath is a layer of despair, loneliness,sadness and insecurities. Some will bring it up, some will be subtle but one thing’s for sure, they won’t allow that you constantly stay that way, even for a moment’s pinch, they will make sure that you feel a bit of upbeat music in your life 




"I want to make a deal with God :(("

Tagged as: hoping, faith,

Hay ito nanaman ako sa buhay kong walang direction. Sorry tumblr lumalapit lang ako sa’yo pag hindi maganda ang takbo ng buhay ko *sigh*…. pero wala eeh, walang makakaintindi sakin… meron siguro pero hindi yung totally maiintindihan ako…(madramang intro). From that moment, that moment that I have decided to pursue with Chemical Engineering, I never knew that I’d be putting my sanity in danger, I never knew that my fate would turn out like this. An irregular anti social student. Sabi ng mga pinakamalapit kong mga kaibigan sana nagshift na ako noon pa. Noon naman, sabi din nila magshift na ako. Sana nga nagshift na ako. Pero on the other hand, takot din kasi akong magsisi. Paano kung ito pala yung tamang daan para maging maganda ang future para sakin? Pero paano din kung ito ang magdadala ng empyerno sa buhay ko? 4th year na ako, pero hindi ko parin naaappreciate yung mga napag aaralan ko sa Chemical Engineering. Siguro kung noon palang sinundan at pinaglaban ko na yung passion ko  or basta ourse na malapit sa gusto kong gawin (na hindi ko pa actually masyadong alam noon) siguro di ako naloloka sa kakaisip kung ggraduate ba ako, kung papasa ba ako, kung magiging disappointment nanaman ba ako? nakakainis lang kasi eh ! alam ko namang di ako bobo , alam ko namang napaka uninspired at napaka undetermined ko lang. Nawawalan ako ng goal sa buhay, nawawalan ako ng direksyon. Nababaliw na nga din ata ako. Sabi nila “Failures lead to success (with matching pictures pa ng kalsada na madaming bato at madaming danger road signs) pero bakit puro failure nalang ako? Mula nung pumasok ako sa Chemical Engineering, napakaworthless ng feeling ko. nadoble ang pagiging anti social ko, bummabagsak ako ng bongga at nawawala na yung competetive edge na naestablish ko nung Highschool. I’m such a nobody! nobody na nga, nabobobo pa. Shitty life man, Shitty life… Bakit ko ba to pinasok? bakit ko ba to pinili? Ngayon, may danger pa na baka wala akong makuhang subject sa summer. Ano ba naman tong nangyayari sa buhay ko?Naalala ko nung 4th year HS, nung bigla akong natanggal sa honor roll. Gumuho ang  mundo ko. Di ko akalain, mas magugulantang yung mundo ko ngayon. Yung mundo ko dati parang madilim na rainforest lang na makakahanap pa ng liwanag pag sapit ng umaga. Ngayon, ang mundo ko? parang box na lumiliit ng lumiliit yung butas. Circumstances at Events pati na yung mga iniisip ng mga tao ang kumokontrol sa buhay ko. Para akong nakatali sa puno.  Mas pipiliin ko pang maging hunger games arena ang buhay ko ngayon kaysa tumapak sa buhay ko ngayon. Pagod na pagod na pagod na ako. Pagod na akong bumagsak, pagod na akong maging invisible, pagod na akong maging substandard, pagod na akong maging disappointment at pagod n apagod na akong madisappoint sa sarili ko. Pero asar kasi, every foxing  year, may problema akong subject. Lagi akong pumapasok pero di naman ako nakikinig, papasok lang ako para makipagdaldalan, papasok lang ako para tumanga sa space, kunwaring nakikinig sa instructor, pero hindi talaga na proprocess sa utak ko yung sinasabi ng mga instructors. Ito pa, papasok lang ako para matulog. Pagod na akong mababa ang tingin sakin ng mga tao at ng sarili ko. wala na talaga akong gana. Alam kong hindi ko talaga calling ang kumuha ng Chemical Engineering. Pero di ako makaalis alis. Nasasayang lang yung oras ko, yung pera ni papa at yung naipondo kong utak. Utak lang ang investment ko noon. Hindi ako sociable, hindi ako maganda, hindi ako magaling sa ibang bagay, hindi ako interesting…at least  noon matalino pa ako. Ngayon? wala na. Walang wala na. Wala na akong investment sa sarili ko. Bobo, tanga, walang kwenta, di maaasahan, malaking gastos, Walang ibubuga, total nobody. Ou nakakainis tong basahin kasi puro panlalait lang sa sarili ko yung ginagawa ko ngayong alam ko naman yung problema ko. Pero di ko alam paano ko sisimulang ayusin ang buhay ko. Aalam ko mas madaming may mas matititinding problema kaysa sakin. Pero mahirap eh. Mahirap maging mabait, mahirap maging disappointment, mahirap maging laging huli, mahirap yunginiisip mo kung papasa ka ba o uulit ka nanaman ng subject sa susunod. Mahirap mag isip kung katanggap tanggap ka ba o hindi. Mahirap piliting mahalin ang isang bagay na hindi mo gusto. Mahirap magconcentrate sa mga bagay na wala ka naman talagang pakealam… Malaki ang problema ko sa sarili ko. Siguro nagrereflect lang to sa school works ko. Ou siguro pinapatay ako pakonti konti ng insecurities ko . Lord, tulungan nyo po sana ako kasi di ko na talaga alam ang gagawin ko.Hindi ko na alam paano aayusin ang buhay ko. Lord, feeling ko habang nasa Chemical Engineering ako, magiging impyerno ang buhay ko. Pero masyado nang late para magshift. Isang taon nalang. Pero Lord, pagod na pagod na po kasi ako hindi ko na talaga alam anong gagawin ko.Lord, tulungan nyo po ako, kasi sa ngayon… kayo lang nakakalam saan ba   talaga papunta tong buhay ko„,  (LOL nasulat ko lang lahat to dahil sa grades xD) 


Tagged as: depressed, notes, diary, journal,

"Tuloy parin ang awit ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo

 Handa na ‘kong hamunin ang aking mundo pagka’t tuloy parin”

Sa panahon ngayon, kahit sa crush uso mag move on :)) kahit hanggang facebook friends lang narating nyo o kahit nga naging kakaklase mo lang sa isang klase nyo. Di naman umiikot ang mundo sakanya eh, nagfunction nga yung buhay mo ng ilang taon na di mo sya nakikilala, ngayon pa kayang nasasaktan ka nya hindi nya alam?  Hindi naman palaging parang “Crazy little thing called love”  ang buhay na kapag nagbago ka na eh okay na ang lahat, minsan parang “Bakit di ka crush ng crush mo” din. (well yung unang part lang yung sawi si Kim kay Kean xD). Kung di ka nya bet, wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Sayang lang sa oras, sa iba nga sayang lang sa luha xD. (makati kaya sa mukha yung luha xD) No one deserves to be treated that way. Kung gusto mong maging masaya, kalimutan mo na sya! mahirap pero yun ang dapat. Hindi dahil gusto mo, makukuha mo haha. Meron lang talagang mga sadyang masweswerteng tao na nagkakatuluyan sila ni crush. Pero kung hindi talaga, hindi talaga. Kung hindi talaga sang- ayon si universe sa inyo wala talaga. Di bale marami pa dyang iba. Ibaon nalang natin ang priorities natin sa  pag aaral, mas may mapapala pa tayo sa future diba? So cheer up and stand up, gracefully accept defeat at ibale nalang sa iba ang puso, isip at oras 




"One day I will prove myself again. A time that will make my family and friends proud of me,a chance to regain the trust people once had for me. A chance that will make people see what Im really worth, a time that will make all those people who didnt believe in me regret that they me feel like nothing and unworthy"

Waaaahh so yun kahapon bente na ako xD natuwa naman ako sa family and friends ko.„ ever… I may not be pretty and popular ( tipong pang first part ng diary ng panget xD) like some but I know Im loved by some people xD..people who are really important to me…. I dont see them as often as I did before but ngaung nagbirthday ako.. I actually felt them xD… meron yung friends na madami akong nasasabi, minsan naiirita ako sa iba sakanila pero yeah I love them really xD.. kahit minsan naookray ko sila sarcastically at minsan may nasasabi ako sa likod nila pero I love them as in xD totoo po xD… so yeah thanks guys..

Kahit 10 people lang magreet sakin forever basta nandun sila, solve na talaga ako xD



I really thank everyone who greeted me on this day,…. for making this day cool enough xD.„ but this has been the most silent, loneliest birthday ever but I really appreciate everyone who texted, facebooked and tweeted xD



Heck now I get it… I think the most important lesson I’ve learned from my life right now is not to care so much about people and what they think and .I know, I know its too cliche but I didnt really bother to understand it until Im at this point where Im in the brink of falling from the thread Im hanging on to .Sometimes even the closest people wont get where you’re coming from.Sometimes even your parents.

They won’t get why you do this, why you do that, why you don’t do this and why you don’t do that.. but it all goes down to this: Thinking too much about what people think about you , what people want you to do , what people want you to be etc. won’t get you anywhere. It will just leave you confused why you’re doing this and why you’re doing that and you lose that sense of what you really want in life and then one day you’ll realize you dont know who you are anymore and happiness becomes a blur. You can’t force yourself to be who everybody wants. Sometimes not even who your parents want you to be. Nobody can dictate how you will run your life because only you can own your life.

They say that life is all about choices and bla bla bla and well its true. But your decisions doesnt always have to be right because you need a space ro learn too.I have made a wrong choice of letting my parents decide for my life because it only gave disappointments not only to me but also to my parents. Disappointments which is sort of unhealthy for me and my relationship with my parents. One time I was so disappointed with myself and disapponting my parents that I became stupid enough to think that suicide is an option and a solution to my problems. But now I learned that I was really wrong. My short lived college life hasnt been fulfilling I always lived under the shadow of my father and his expectations. It sucks a lot! Now I know that I shouldnt do that anymore. I learned that I can and should create my life

There are so many rules to follow but you dont have to always follow them as is in your life. Bend your rules, be free, be happy. HAPPINESS IS A CHOICE

Do whatever you want. You can listen to what others say but dont let them dictate what you should do and what you want to do. Because it will hinder you from giving the best that you can give and because you deserve to be happy.




"Do whatever you want. Do not make the same mistake of letting others decide for your life, Don’t let the expectations and thoughts of people ruin your sense of individuality. Dont let yourself feel that happiness is a blur because happiness is just there."



manda:

x



Just hello for the moment :) (: oןןǝH
Lunapic Photo Editing





Powered By: Tumblr Themes | Facebook Covers